Sunday, July 26, 2009
Saturday, July 25, 2009
Thursday, July 16, 2009
Sunday, July 5, 2009
Sunday, December 14, 2008
Thursday, December 4, 2008
Kumita Sa Blog
Courtesy of Darkknight of bluemumble
in December 26th, 2007 in Blog Para sa Pilipino
Kung maayos na ang blog mo at humahatak ka na ng marami-raming mambabasa, oras na upang bigyan mo naman ng pabuya ang iyong sarili dahil matagumpay mong naitayo ang iyong blog. Sabay nating gagawin ito, sapagkat naniniwala ako na hindi ko pa nasusubukan ang lahat ng paraan upang kumita ng pera gamit ang Internet. Ang mga pamamaraan dito ay patungkol lamang sa pagb-blog, ngunit hindi ko isinasara ang pinto sa iba pang maaaring pagkakitaan—hangga’t hindi ilegal. Karamihan sa aking ibabahagi dito ay subok ko ng mga advertisement programs, at ang iba sa kanila ay patuloy pa ring sinusubukan upang makapagbigay sa iba–sa inyo–ng maayos na review at tulungan kayong hanapin ang tamang advertisement program para sa inyong mga blog.
Maging Tunay Na Blogger sa Pamamagitan ng Google AdsensePandagdag na Siguradong Kita sa BidvertiserKumita sa Pamamagitan Ng Referrals ng Text Link AdsIsugal ang Iyong Oras at Ad Space sa AdbriteIpakita ang Blog Mo sa Buong Mundo sa Komisyon ng WidgetBucks

Magsulat Sa Iyong Blog
Courtesy of Darkknight of bluemumble
in December 26th, 2007 in Blog Para sa Pilipino
Kahit gaano kaganda ang theme mo, o karami ang plugins na ininstall mo, o kagarbo ang mga advertisements na inilagay mo sa iyong website, hindi ka kikita rito kung walang bibisita sa iyong blog. At saan nakasalalay ang iyong kita? Walang iba kundi sa mga artikulong iyong isusulat.
Mahirap at madali ang magsulat. Sa paaralan tayong lahat natuto nito, at wala pa akong kilalang tao na mas nais kumuha ng mga essay exams kaysa sa multiple choice. Gayundin naman, madaling magpahayag ng saloobin kung susulat ka ng liham sa iyong pamilya o sa iyong minamahal. Hindi nga ba’t lahat ay nagiging makata sa pag-ibig. Corny, pero totoo. Anyway, may mga tao talagang mahusay magsulat. Makikita mo ang kanilang mga akda sa pahayagan, sa mga nobela, sa magazines, sa ini-ihiang pader, sa likod ng upuan sa iyong unahan habang nakasakay ng bus, at sa mga blog na kagaya nito. Hindi naman ako nagbubuhat ng sariling bangko. Sinasabi ko lamang na gaya ng pagkakapantay-pantay sa trabaho, ang pagsusulat sa mga blogs ay hindi rin namimili ng tao. May pinag-aralan man o wala. Bungi man o hindi. Maganda man… o mas maganda. Hehe. Ang problema–mahirap ituro ang pagsusulat. Sasabihin pa nga ng iba na gaya ng pagsasayaw o pagkanta o katalinuhan, ang pagiging manunulat ay nakukuha sa kapanganakan. Kaya nga’t ang mga sumusunod ay tanging gabay lamang sa pagsusulat sa isang blog.
Sumulat araw-araw. Isa sa mga sikreto ng sikat na mga blogs ay ang kakayahan mong kapanabikan ng iyong mga mambabasa sa iyong mga isusulat. Kung araw-araw kang nagsusulat, mas malaki ang tsansang araw-araw ka rin nilang bibisitahin.
Magbigay ng halimbawa. Sa blogging, madaling makita ng mambabasa kung may kredibilidad ba ang iyong sinasabi. Iwasang magsabi ng isang bagay na hindi mo kayang patunayan.
Ilagay ang links ng mga ginamit mong resources. Di gaya ng libro ng enyclopedia, maaaring patalun-talunin ng mga bloggers ang usapan sa pamamagitan ng mga links. Karamihan sa mga artikulong isusulat mo ay mangangailangan ng research, at sigurado akong sa Internet mo sya kukuhanin. Sa pamamagitan ng paglalagay ng links sa iyong mga ginamit na resources, makikita ng iyong mga mambabasa na mahusay mong pinlano at pinaghandaan ang iyong artikulo. Dagdag pa rito ang bisitang matatanggap ng blog mo sakaling mapansin ng orihinal na sumulat na nag-link ka sa blog niya.
Maging maayos at lohikal sa pagsusulat. Huwag magpaligoy-ligoy, lalo na kung ang sinusulat mo ay isang How To na blog. Hindi ko ito laging sinusunod, lalo na kung nage-enjoy akong magsulat, kaya sa huli, ikaw din talaga ang bahala.
Miko
ilang articles po ang naisusulat niYo po sa isanG araw?July 16th, 2008
darkknight
sinusubukan ko na maka-isa sa isang araw. pero usually, nakakapagsulat ako kapag may pagkakataon lamang. dumarating din na nakaka-3 o 4 akong artikulo sa isang araw, pero on the average, isa lang talaga.July 18th, 2008
Miko
Sinusubukan ko na po na magblog, sa blogger pa nga lang po. Pa’nu po ba dapat magsimula? Dapat po bang magstick lang ako sa isang subject/topic or mas maganda na may variety yung mga post ko.August 2nd, 2008
darkknight
depende. kung may topic or niche kang hinahabol, na syang pinaka-tema ng blog mo, dapat mag-stick ka lang sa topic na iyon. Kung personal naman ang iyong blog at sa palagay mo ay makakapagsulat ka ng kahit ano, then you should go ahead and write anything under the sun. i looked at your site and ok naman.. nagsusulat ka ng mga articles na relevant sa’yo. it’s a good way to start.August 3rd, 2008

Subscribe to:
Posts (Atom)